B. Panuto: Isulat ang P kung ang tinutukoy ay Populasyon, A kung Agrikultura, I naman kung tungkol sa Industriya. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Iba't ibang uri ng pagmamanupaktura ng mga produkto.
2. Nagbibigay ng kaunlaran sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagsasaka.
3. Bilang ng mga tao na naninirahan sa isang tiyak na lugar.
4. Pagproproseso gamit ang makabagong teknolohiya.
5. Pagpaparami ng mga gawaing pamproduksiyon tulad ng paghahayupan, paghahalaman, at iba pa.
1 Ang pagmamanupaktura (Ingles: manufacturing, Kastila: manufactura) ay ang gawain ng pagbago sa hilaw na materyal upang maging magagamit na mga produkto. Kinasasangkutan ito ng paghahanda, paghuhubog at pagbago ng mga materyal sa pamamagitan ng maraming mga paraan, katulad ng paggupit sa hindi kailangang mga piraso, pagpukpok, pagbanat, pagpapa-init, o ginagamitan ng mga kimikal. Maaaring paraanin sa makinarya sa pabrika ang mga materyal, o sa paraang mekanikal.
2 Ang pambansang kaunlaran ay tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na masuportahan ang lahat ng pangangailangan ng tao para sa matiwasay na pamumuhay at takbo ng ekonomiya ng isang bansa. Ito rin ay nagsasabi kung ang isang lipunan ay nagampanan ang kabutihan para sa panlipunang kapakanan, tulad ng edukasyon, kalusugan, imprastraktura, at iba serbisyong panlipunan