Pag sunod sunorin nyo po ito sa taas

Tayahin

Pakinggan at unawaing mabuti ang tekstong binabasa nang malakas ng magulang o di kaya'y kapatid sa bahay. Pagkatapos, ibigay ang wastong pagkasunod-sunod ng mga pangyayaring nasa loob ng kahon sa ibaba ng teksto. Isulat ang letrang A-J.

Liwanag sa Dilim: Ang Kuwento ni Roselle Ambubuyog

Si Maria Gennett Roselle R. Ambubuyog ay ipinanganak noong ika-12 ng Enero, 1980 sa Maynila. Anak siya nina Gemme F. Ambubuyog at Deanna B. Rodriguez. Naging masaya at tahimik ang unang mga taon ng kaniyang kabataan, kasama ang kaniyang mga magulang at tatlong kuya na sina Glemm, Glenn at Garry. Noong anim na taong gulang pa lamang si Roselle, nagkasakit siya at binigyan ng apat na gamot. Bumuti ang kaniyang pakiramdam, subalit pagkatapos ng dalawang linggo, muli siyang nagkasakit. Tinawag na Steven Johnson's Syndrome, o labis na reaksiyon ng katawan sa mga gamot na kaniyang iniinom ang kaniyang naging sakit. Dahit dito, nawala ang kaniyang paningin. Dinala siya ng kaniyang mga magulang sa iba't ibang doktor, subalit hindi na muling nakakita si Roselle. Sa kabila nito, sinikap ni Roselle at ng kaniyang mga magulang na maipagpatuloy ang dati niyang buhay. Umalis ang kaniyang ama mula sa dati niyang trabaho upang tulungan si Roselle na muling matutuhan ang mga pang- araw-araw na gawain. Nakabalik siya sa pag-aaral sa pamamagitan ng "Adult Braille Literacy Program” ng Resources for the Blind, Inc (RBI) na isang organisasyong nagbibigay serbisyo at tulong sa mga bulag sa buong Pilipinas simula pa noong 1988. Dahil dito, nakapagtapos siya bilang balediktoryan ng Paaralang Elementarya ng Batino noong 1992 at sa Paaralang Sekondarya ng Ramon Magsaysay noong 1996. Pagkatapos nito, nagtungo siya sa Pamantasang Ateneo de Manila upang mag-aral ng Matematika. Nagbunga ang pagsisikap ng buong pamilya, dahil noong 2001, nagtapos si Roselle bilang balediktoryan mula sa Pamantasang Ateneode Manila. Sa kanyang talumpati bilang balediktoryan, pinasalamatan niya ang kanyang buong pamilya, lalo na ang kaniyang ama, na nagsilbing mga bituin sa kanyang paglalakbay. Pagkatapos nito, nagpakadalubhasa siya sa Matematika sa Unibersidad ng Pilipinas. Ngayon, isa siyang konsultant para sa isang kompanyang gumagamit ng makabagong teknolohiya upang gumawa ng kagamitan para sa mga taong may kapansanan. Nagagamit niya ang kaniyang karanasan at kaalaman para tulungan ang ibang taong katulad niya.



Pag Sunod Sunorin Nyo Po Ito Sa TaasTayahinPakinggan At Unawaing Mabuti Ang Tekstong Binabasa Nang Malakas Ng Magulang O Di Kayay Kapatid Sa Bahay Pagkatapos Ib class=