Sanayin Natin Panuto: Tukuyin ang mga salita o pariralang ginamit para sa mabisang pahayag sa pag-aayos ng datos. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Ang pamimintas at paghamak sa kapwa ay isang gawaing hindi kinalulugdan ng Maykapal.
2. Upang malabanan mo ang takot na iyong nararamdaman, una sa lahat ay dapat magkaroon ka ng malalim na pananampalataya sa Panginoon.
3. Ang kagutuman ay nararanasan din sa iba pang panig ng mundo. Unang tinuturong dahilan nito ay ang krisis na nararanasan natin ngayon.
4. Ipinadama pa rin niya ang kaniyang mainit na pagmamahal sa kaniya kahit sa kahuli-hulihang sandali ng kaniyang buhay.
5. Pangatlo, dapat ay magkaroon ka ng sapat na kaalaman sa pangyayari.