Ang Alamat ng Mindanao Si Sultan Kumpit ay isa sa naging pinuno ng isang malaking pulo. Siya ay matalino ngunit ang mga Muslim ay takot sa kanya dahil siya raw ay masungit. Ang Sultan ay may kaisa-isang anak na dalaga. Ang pangalan niya ay Minda Si Minda ay ubod ng ganda. Dahil sa kagandahan ng dalaga ay marami ang nanliligaw ditto. Kabilang na ang mga sultan, raha, datu at prinsipe ng iba't ibang pulo. Bawat manliligaw ni Prinsesa Minda ay may kanya-kanyang katangian kung kayat nagpasyang magbigay ng tatlong pagsubok si Sultan Kumpit. Ang mananalo sa tatlong pags bok na ito ang siyang mapalad na makakaisang dibdib ng kanyang anak. Ang unang pagsubok ay kung sino ang makapagsabi ng kasaysayan ng kanyang angkan hanggang ikasampung salin nito. Ang ibig sabihin nito ay kung sino at ano ang naging buhay ng ama, nuno, nuno ng nuno at mga kanunununuan hanggang sa ikasampung salin. Ang ikalawang pagsubok naman ay kailangang malagpasan ang kayaman ng hari upang maging daan patungo sa ikatlong pagsubok. Ngunit ang higit na mayaman ang siyang magmamay-ari ng kayamanang natalo. Maramin ang nakipagsapalaran at natalo sa unang pagsubok. Isa na rito ang kilalang si Prinsipe Kinang. Siya ay nakapasa sa unang pagsubok ngunit natalo sa ikalawang pagsubok Nahigitan ng ginto ng hari ang kanyang tatlong tiklis na ginto. Lalong yumaman si Sultan Kumpit. Alam ng lahat na marami pang ginto si Sultan Kumpit at ngayon nga ay nadagdagan pa ng tatlong tiklis na tinalo kay Prinsipe Kinang. Isang matalinong prinsipe ang nais sumubok. Ngunit bago niya ito ginawa ay nag-isip siyang mabuti kung paano niya matatalo ang kayamanan ng Sultan. Nanghiram siya ng ginto sa kanyang mga kaibigang maharlika hanggang makatipon siya ng labintatlong tiklis ng ginto. Nagbihis at nag-ayos ng buong kakisigan si Prinsipe Lanao. Una niyang nakausap si Prinsesa Minda Sa unang pagkikita pa lamang ay humanga agad ang prinsesa sa binatang prinsipe. Lihim na natuwa si Prinsipe Lanao sapagkat tiyak niyang may pagtingin din sa kanya ang prinsesa "O, ano ang masasabi mo sa iyong angkan?" ang unang pagsubok ng Sultan kay Lanao. Mabilis na isinasalaysay ni Lanao ang kanyang lahi ngunit muntik na itong mabuko sa ikasampung salin Nakaisip ng pangalan at nag-imbento ng kagitingan nito. Laking pasasalamat niya nang siya ay makapasa sa unang pagsubok. Sa ikalawang pagsubok ay tinanong siya ng hari. "lilang tiklis yata ng ginto ang dala mo. Mayroon akong pito, iyon ba ay iyong mahihigitan?" ang may pagmamalaking tanong ng sultan. "Mayroon akong labintatlong tiklis ng ginto rito ngayon ngunit kung kulang pa ito ay handa kng ilabas ang mga nakatago pa sa aming kaharian, "ang tugon ni Prinsipe Lanao "Hindi na bale," sagot ng hari, "iyo na ang pitong tiklis ko. Ganito naman ang ikatlong pagsubok Ikaw ay tutulay sa isang lubid sa may malalim na bangin. Pang ito'y nagawa mo ay ikakasal kayo ng aking mahal na Prinsesa sa pagbibilog ng buwan," ang sabi ng sultan "Ang ikatlong pagsubok ay bukas na natin itutuloy." Umalis si Lanao na punung-puno ng pag-asa, Nagsanay siyang tumulay sab aging na sampayan, Ngunit lingid sa kanya ay may masama palang balak ang sultan sa pagtulay niya sa lubid Natunugan ito ni Minda at sa laki ng kanyang pag-ibig sa binate ay gumawa siya ng paraan. Inutusan niya ang kanyang mga katulong na putulin ang matibay at manipis na sinulid na nakakabit sa tulay na tatawiran ni Lanao. Ang sinulid palang ito hahatakin upang malaglag sa bangin si Lanao. Mabilis na natupad ang pinag-uutos ni Minda sa kanyang katulong Kinabukasan ay maluwalhating nakatawid si Lanao sa lubid at ang kanilang kasal ni Prinsesa Minda ay naganap. Naging mahusay na pinuno ang mag-asawa sa kaharian ni Sultan Kumpit. Dahil sa kabaitan ay napamahal sa mga tao ang dalawa kaya tang malaking pulong iyon ay pinangalanang Minda- Lanao na di nagtagal ay naging Mindanao.