Answer:
1. KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON SA LOOB NG PAMILYA Ang unang salita natin ay sa pamilya natin natutuhan. Dito unang nahuhubog ang ating kasanayan sa komunikasyon. Dito tayo unang natututong makipagkapwa at bumuo ng pamayanana, isa sa mga pangunahing tungkulin ng pamilya ang bumuo ng pamayanan. Hindi posible ang makipagkapwa o bumuo ng pamayanan nang walang komunikasyon
2. Dahil ang pagmamahal ang nagbubuklod sa bawat isa kaya ito ay maituturing na pinakamabisang paraan ng komunikasyon. Ang pagmamahal na ito ang bumubuo sa atin at sa ating kapwa upang magbigay ng kaunawaan sa lahat. Ito ang tulay upang maging bukas tayo sa pakikinig at maiwasan ang pagtatalo.