Explanation:
Ang sakit na ito ay ang pamamaga ng atay. Nakukuha ito mula sa isang virus mula sa kontaminadong pagkain o inumin. Ang Jaundice ay ang paninilaw ng puting bahagi ng mata at balat na sintomas ng pagkakaroon nito. Maaari ding maranasan ang mga sumusunod: 28 a. Pagkahilo b. Pagduduwal at Pagsusuka c. Pagsakit ng tiyan sa kanang itaas na bahagi d. Pagkakaroon ng lagnat e. Pagkawala ng gana sa pagkain f. Pagkakaroon ng madilaw at maitim-itim na ihi g. Pagkakaroon ng kulay abo na dumi h. Pangangati ng balat i. Matinding pagkapagod j. Pananakit ng mga kasu-kasuan