12. Isang maikling lagom ng pinal na papel. Kailangang maglaman ito ng maikling introduksiyon, paglalahad ng suliranin, saklaw at limitasyon ng pag-aaral, metodo o paraan, kongklusiyon (o kinalabasan ng pag-aaral), at rekomendasyon. Maaaring mabuo ito sa pamamagitan ng 500-700 na salita. Ito’y isang pahapyaw na pagtukoy sa laman ng bawat kabanata na kapag tiningnan ay mailalahad na ang kabuuan ng sinulat bagama’t di kongkreto.