Sagot :
Ang Ramadan (Arabe: رمضان, Ramaḍān) ay isang kaganapang pang-relihiyon ng mga Muslim na nagaganap tuwing ika-siyam na buwan sa kalendaryong Islam, kung saan naihayag ang Qur'an. Ito ang panahon ng pag-aayuno na iniiwasan ang pagkain at pag-inom ng tubig mula pagsikat ng araw hanggang paglubog ng araw. Nagtatapos ang Ramadan sa Eid ul-Fitr o Hari Raya Puasa. Ang pag-aayuno ay ginagawa para maturuan ang isang tao na magsakripisyo, magpakakumbaba, at maging mapaghintay. Ito ay ginagawa para sa Diyos o tinatawag nilang Alah, at pagdasal ng mas marami kumpara sa dati. Ito'y panahon kung saan humihingi ng patawad para sa kanilang mga kasalanan ang mga muslim,dasal para sa kanilang kaligtasan at para malayo ang masamang espirito sa araw-araw na buhay at sinusubukang rin nilang malinis ang kanilang sarili sa pamamagitan ng disiplina at kawang gawa.
Answer:
ang radaman ay pag aanuyo nila sa kanikang diyos
Explanation:
paki brainlies po sana makatulong