GAWAIN 6 PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang akda sa loob ng kahon at pagkatapos ay isagawa ang kasunod na gawain 7 "Bawal ang magkumpul-kumpol Huwag magdikit-dikit. Kailangan ay may physical at social distancing Mahigpit na ipinatutupad ang pagsusuot ng face mask. Kasama rin sa pinagbabawal ang pagdaraos ng mga party o anumang kasiyahan na maaaring magsama-sama o magtipon-tipon ang mga tao." Ito ang laging naririnig ni Nena sa telebisyon, sa radyo at maging sa kapitbahay. Kung kaya, hindi siya pinapayagang lumabas ng kaniyang mga magulang. Ngunit sa kabila ng pandemya, marami nang nagbago sa buhay ni Nena. Natuto siyang manatili sa kanilang tahanan upang tumulong sa gawaing bahay katulad ng paglilinis, pag-iigib ng tubig at pagluluto. Natuto rin siyang pahalagahan ang kalinisan ng pangangatawan Palagiang paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain, pagkain ng masusustansiyang gulay at pisikal na pag-eehersisyo At higit sa lahat natuto siyang magdasal kasama ang buong pamilya. Diane T. Bustane- Batay sa iyong binasa, tukuyin ang makatotohanang kaisipan o pangyayaring nakapaloob at iugnay ito sa iyong naging sariling karanasan​