Answer:
Napakahaga ng wika. Bukod sa ito ang kaluluwa ng isang bansa at pagkakakilanlan, ito rin ang dahilan upang magkaunawaan. Hindi makakapagkaintindihan nang maayos kung walang wika. Ginagamit ang wika sa pagtatrabaho at tunay na mahalaga ito kahit saan man. Subalit ang wika, minsan ay nagagamit natin sa maling paraan. Madalas na nakakapagsabi tayo ng mga bagay na hindi natin dapat sabihin. Kadalasan din ay may masasakit na salita tayong nasasabi sa iba na nagdudulot ng away at pagkasira ng anumang relasyon.