1. Tukuyin kung anong kasangkapan ang tinutukoy. 1. Ginagamit ito sa pagsukat ng mga bagay. 2. Ginagamit ito sa pagsusukat ng maikli g distansiya, pagtiyak sa lapad at kapal ng tablang makitid at kung eskuwalado ang bawat bahagi ng kahoy. 3. Ginagamit ito sa pagsukat ng taas, lapad, at kapal ng materyal. 4. Ito ay isang uri ng de-manong pambutas na kinakabitan ng bit o talim sa dulo nito. 5. Ang gamit na ito ay barenang de-kuryente na mainam na gamiting pambutas tulad ng kahoy, semento, at bakal. 6. Ginagamit ito na pang-ukit at sa paggawa ng mga butas at hugpungan. 7. Ito ay uri ng lagari na ginagamit na pamutol nang paayon sa hilatsa ng kahoy. 8. Ginagamit ito bilang pamutol nang pahalang sa hilatsa ng kahoy 9. Ito ay ginagamit sa pagputol ng pakurba sa proyektong yari sa kahoy. 10. Ito ay lagari na may iba't ibang talim na pambutas ng pabilog.