Si Richard ay nakatapos ng kursong Computer Engineering. Nagdesisyon siyang umalis ng Pilipinas at sa ibang bansa magtrabaho dahil nahirapang makahanap ng mapapasukan dito. Nakatagpo na rin siya ng asawa roon at nagkaroon sila ng isang anak. Nanatilil sila roon nang limang taon at gaya ng pangako niya sa sarili, mag-iipon siya upang makapagpatayo ng bahay at makapag-umpisa ng negosyo sa kanilang bayan.
Lingid sa kaalaman ng kaniyang mga magulang, ang bakasyong pinakaasam-asam nila ay magiging permanente na pala. Nakapag-ipon na kasi siya ng sapat na halaga upang magpatayo ng bahay at doon na rin magtatayo. ng bigasan. Laking gulat ng mga magulang niya nang dumating ang inorder na materyales para sa pagpapagawa ng bahay. Hindi nagtagal natapos na ang bahay at tindahan ng bigas.
Pinadalhan sila ng sako-sakong bigas, kumuha ng isang tauhan na sasahuran upang makasama nila sa kanilang pagtitinda. Mabilis maubos ang kanilang stock na bigas. Habang lumilipas ang panahon ay dumarami ang kanilang kustomer at ganon din ang kanilang paninda. Ibig sabihin ay umuunlad ang negosyo nila. Nakatutuwang isipin na ang isang tao kapag nangarap, natupad at lumalago ang kabuhayan ay hindi nakakalimot sa kaniynag mga magulang maging sa kaniyang bayan. Napakagandang pamarisan.
Mga Tanong:
1. Bakit nagpasyang mangibang bansa si Richard?
2. Paano namuhay si Richard sa ibang bansa?
3. Paano nakapagpatayo si Richard ng sariling bahay sa Pilipinas?
4. Bakit nais nang bumalik ni Richard at ng kaniyang sariling pamilya sa Pilipinas?
5. Paano pinahalagahan at tinulungan ni Richard ang kaniyang mga magulang?