II. PANUTO: Tukuyin kung ang pahayag ay nagbibigay ng patunay o hindi. Isulat ang OO kung nagbibigay ng
patunay at HINDI kung walang patunay.


_____11. Ang mga politiko, malalaking negosyante, artista, lider ng iba’t ibang samahan, mga ambassador ng iba’t ibang bansa, at iba pang matataas na tao ay patungo lahat ngayon sa Davao. _____12. Ang Davao ay biglang naging bagong simbolo ng kapangyarihan pagkatapos ng malawakang pagkapanalo ni Pangulong Rodrigo Duterte na umabot sa mahigit 16 na milyong boto. _____13. Ang sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19) ay isang sakit sa palahingahan. Ito ay sanhi ng isang bagong virus. _____14. Ang mga taong nagkakasakit ng COVID-19 ay maaaring makahawa sa iba, kahit pa minsan parang wala silang sakit. _____15. Ilan sa mga sintomas ng COVID-19 ay ubo , pangangapos ng paghinga , lagnat , panginginig , pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pananakit ng lalamunan, pagkawala ng panlasa o pang-amoy , maaaring sumakit ang tiyan, magsusuka, o magtae. _____16. Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, ang Pilipinas sa kasalukuyan ay may nakatalang 359,169 kaso ng COVID-19, 310,303 ang mga gumaling na at 6,675 ang mga namatay. _____17. Unti-unti nang pinapayagan ng pamahalaan ang muling pagbubukas ng mga negosyo upang muling maiangat ang bumagsak na ekonomiya ng bansa dahil sa COVID-19. _____18. Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 1,109,130 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit. _____19. Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 223,644. _____20. Ang bawat isa ay may bahaging gagampanan upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19.​