I. Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang tekstong pang-impormasyon: Sa bibig nagsisimula ang pagtunaw ng pagkain.Sa tulong ng ngipin at pag nguya, napipiraso ng maliliit ang mga pagkain. Tumutuloy sa tiyan ang nginuyang mga pagkain. Maraming glandula sa paligid ng tiyan. Ang mga katas mula sa glandula ay tumutulong sa pagtunaw ng pagkain. Pupunta sa maliit na bituka ang natunaw na pagkain. Tila mga nakalikong mga tubo na nasa loob nito ay kulu- kulubot. Nasa mga kulubot ang mga villi na kinapapalooban ng maliit na ugat. Dumadaan sa mga ugat na iyon ang mga tinunaw na pagkain papunta sa ibat-ibang bahagi ng katawan. Ang mga hindi natunaw na pagkain ay pumupunta sa malaking bituka.Pagkaraan ng isa o dalawang araw ito ay lalabas bilang isang dumi na. 1. Saan nagsisimula ang pagtunaw ng pagkain? 2.Ano ang tumutulong sa pagpipiraso ng pagkain? 3.Saan patungo ang nginuyang pagkain? 4. Ang natunaw na pagkain, saan papunta? 5. Saan naman tutuloy ang hindi natunaw na pagkain? litong malungguhit sa hawat pangungusap ay pangngalan o​

Sagot :

Answer:

1. Sa bibig nagsisimula ang pag tunaw ng pagkain

2. Ngipin ang tumutulong sa pag pipiraso ng pagkain

3.Tumutuloy sa tiyan ang nginuyang mga pagkain.

4.Pupunta sa maliit na bituka ang natunaw na pagkain.

5.Ang mga hindi natunaw na pagkain ay pumupunta sa malaking bituka.

Answer:

Sa bibig nagsisimula ang pagtunaw nang pagkain, ang ngipin naman ang tumutulong sa pagpipiraso gamit ng pag nguya at dederetso ito sa sting tiyan. Ang mga natunaw na pagkain ay na pupunta sa mga maliit na bituka at ang mga hindi gaano natunaw ay sa malaking bituka at pagkaraan ng isa o dalawang araw nagging dumi na ito.

Explanation:

Di po ako perfect.