ano ang mga kontribusyon ni Dr. Jose rizal at mga Kahalagahan nito..
Help po​


Sagot :

Kontribusyon sa Agham

  • Natuklasan ni Rizal na ang Mindanao ay mayaman sa mga specimen. Sa pamamagitan ng kanyang baroto at sa tulong ng kanyang mag-aaral, kanyang ginalugad ang mga gubat, at baybay- dagat upang humanap ng specimen ng mga halaman, kulisap at kabibi.

"Module Well"

Answer:

MGA KONTRIBUSYON NI DR. JOSE RIZAL

Ang pambansang bayani

Siya’y itinanghal napambansang bayani ng ating lahi. Dahil sa kanyang sakripisyo at pagmamahal sa bayan. Ang hindi paggamit ng dahas sa kanyang pag-aaklas laban sa mga Espanyol at ang kanyang katangian na inspirasyon ng ilan nating kababayan. Ang hindi matatawarang kontribusyon niya sa pagyabong ng kaisipang-kultura, panitikan at pampulitika ang naging batayan kung bakit siya ang itinanghal na pambansang bayani ng Pilipinas.

Inspirasyon ng lahat

60 Inspirasyon ng mga Pilipino si Jose Rizal. Walang Pilipinong hindi iniidolo ang pagka-bayani ni Rizal. Dahil sa kanyang pagkamakabayan at pagtatanggol sa bayan, na naging sandata ng mga rebolusyonaryo noon at naging mitsa ng paglaya ng Pilipino.

Makabayang Pilipino

Hindi niya iniwan ang Pilipinas at ito’y bumalik sa kanyang bansang sinilangan matapos ito makapag-aral sa Europa. Ipinakita niya ang pagmamahal niya sa bayan sa pagsasalarawan ng problema sa lipunan at ang pagkakahati ng estado sa buhay. Sa kanyang paningin, walang mahirap o mayaman. Lahat ay pantay-pantay at purong Pilipino, sa isip, sa salita at sa gawa.

Si Rizal sa Modernong panahon

Hindi na nga ba maisabuhay ang mga katangian at kontribusyon ni Rizal? Ilan sa atin ay hindi na matandaan ang naging papel ni Rizal sa kasaysayan ng bansa. Dahil sa inuuna ang sariling kapakanan bago ang bayan, naging problema na ng mga guro sa Filipino at Araling Panlipunan ang ganitong sitwasyon na hindi na maalala ng kabataan si Jose Rizal. Pero ang iba nating kababayan ay patuloy na kinakampanya at isinasabuhay ang katangian ni Rizal sa modernong panahon Ang pagkamakabayan at pagmamalaki sa sariling lahi ang naging alas ng ilang Pilipino upang manatili sa puso’t diwa ng bawat isa ang ating pambansang bayani.

Impluwensiya ni Rizal sa ibang lahi

Dahil na rin sa pangingibang-bansa ng ating mga kababayan at ang pag-aaral ng kasaysayan ng mundo, alam na rin ng ibang lahi ang buhay at pakikipagsapalaran ng ating bayani. May mga monumento at plaque si Rizal sa ilang bansa katulad sa Hong Kong, Europe, United States at Singapore na ipinagmamalaki ng mga Pilipino kapag nakikita nila ito.

Mga aral ni Rizal: Susi sa pagbabago

Ang mga katangian at pangaral ni Rizal sa atin ay isang inspirasyon sa ating lahat. Hindi lingid sa kaalaman ng iba na maaari nating gamitin upang matamasa natin ang pagbabago ang kanyang kontribusyon sa bayan. Kaunlaran ng bansa bago ang sariling kapakanan.