Ano ang ibig sabihin ng Salawikain?

Tulong SOS


Sagot :

Tanong:

  • Ano ang ibig sabihin ng Salawikain?

Sagot:

[tex] \: \: \: \: \: \: \: \: \: [/tex] Ang salawikain ay mga pahayag na sinasabing pinag–ugatan ng panulaang Pilipino. Kadalasang nagtataglay ito ng sukat at tugma. Ito ang mga butil ng katarungan na nagsilbing batas o tuntunin ng kagandahang–asal ng ating mga ninuno. Karaniwang hango ito sa karanasan ng matatanda, patalinghaga, at nangangailangan ng malalim na pagmumuni bago tuluyang maunawaan. Nagpapaalala ito sa mga kabataan tungkol sa angkop na pagkilos, wastong paguugali, mabuting pakikitungo sa kapwa, at ng tahimik at masayang pamumuhay.

Halimbawa:

  1. Kung walang tiyaga, walang nilaga.
  2. Sa paghahangad ng kagitna, isang salop ng nawala.
  3. Aanhin ang bahay na bato kung ang nakatira ay kuwago, buti pa ang kubo na ang nakatiraay tao.
  4. Kaya matibay ang walis, palibhasa'y nagbibigkis.
  5. Ang mabuting halimbawa ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila.

#CarryOnLearning