salik na nakaka apekto sa pagkunsumo at paano naaapektuhan ang pagkunsumo​

Sagot :

Answer:

MGA SALIK NA NAKAAPEKTO

SA PAGKONSUMO

Ang lahat ng tao ay konsyumer dahil sila ay may

mga kailangan at kagustuhan.Ang napakaraming

pangangailangan at kagustuhan ng isang tao

ang dahilan kung bakit may pag konsumo. Ang

pag konsumo ay bahagi na ng buhay ng tao.

Ang pag konsumo ay nandiyan habang patuloy

nabubuhay ang mga tao.

Halimbawa:

Noong dating 10 piso palang ang kilo ng

manga nakakabili ang nanay mo ng 5 kilong

manga samantalang ngayong 50 piso ang

kilo na ang halaga nito ay isang kilo nalang

ang kanyang nabibili.

2. Kita- Ito ay isa sa nagdidikota ng pag

konsumo ng isang tao. Malaki ang kaugnayan ng

kita sa konsumo ng isang tao. Habang lumalaki

ang kita ng isang tao lumalaki din ang kanyang

kakayahan sa pagkonsumo sa mga produkto o

serbisyo. Kapag mababa naman ang kita ay

mababa din ang pag konsumo. Kung ating

papansinin mas maraming pinamimili ang Malaki

ang kita kesa sa maliit ang kita.

oo

Halimbawa:

Si Ana ay kumikita ng 50,000 piso kada

buwan samantalang 10,000 piso lamang kay

Nena kaya noong sila ay nag grocery

20,000 ang pinamili ni Ana at 2,500 lamang

kay Karen.

3. Mga Inaasahan- ang inaasahang mangyayari

sa hinaharap ay nakakaapekto sa pagkonsumo

sa kasalukuyan. Ang mga tao ay pinipilit na

huwag munang gastusin ang salapi at

binabawasan ang pag konsumo upang

mapaghandaan ang mangyayari sa susunod na

panahon o pangyayari. Kung positibo o maganda

naman ang pananaw sa hinaharap, maaga pa sa

inaasahan ay tumaas na ang pag konsumo kahit

hindi pa natatanggap ang inaasahang salapi gaya

ng pag tanggap ng bonus at iba pang insentibo.

Halimbawa:

Kung inaasahan ng mga tao na tataas ang

presyo ng sofdrinks sa pasko at mawawalan

ng supply nito, tataas ang pagkonsumo nito

paghahanda sa pangangailangan sa

hinaharap.

Nangutang si Ana at Maria upang ipambili

ng pagkain dahil alam nilang may parating

silang bonus.

4. Pagkakautang- Kapag maraming utang na

dapat bayaran ang isang tao, maaring maglaan

sya siya ng bahagi ng kanyang salapi upang

ipambayad dito. Ito ay magdudulot ng pagbaba

sa kaniyang pag konsumo dahil nabawasan ang

kanyang kakayahan na makabili ng produkto o

serbisyo. Tataas naman ang kakayahan niyang

kumonsumo kapag kaunti lamang ang

binabayaran niyang utang.

Halimbawa:

Sa halip na bibili si Ana ng meryenda ay

ipinagpaliban niya ito dahil mayroon syang

babayarang utang

5. Demonstration Effect-Madaling

maimpluwensyihan ang mga tao ng anunsiyo sa

radio, telebisyon, pahayagan at maging sa

internet at iba pang social media. Ginagaya ng

mga tao ang kanilang nakikiya, naririnig, at

napapanood sa iba't ibang uri ng media kaya

naman tumataas ang pag konsumo dahil sa

nasabing salik. Ang mga taong hindi naman

naiimpluwensyahan ng nabanggit ay may

mababang pag konsumo lalo na sa mga bagay

na uso at napapahon lamang.

Halimbawa:

Ang sbi ng nag advertise sa telebisyon

na kailangang gamitin sya tatlong beses

sa isang araw ang kanilang iniindorso

at gagayahin din iyun ng tao, tataas ang

kanyang pag konsumo.

Explanation:

GOOD MORNING

PA BRAINLIEST AND FOLLOW PO THANK YOU