II. MAY TAMA KA! Isulat sa patlang bago ang bilang ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay may wastong
kaisipan. Kung ito ay may di-wastong kaisipan, isulat ang salitang MALI at SALUNGGUHITAN ang salitang
nagpamali sa pangungusap.
11. Ang pagkakaroon ng sapat na kita ng tao ay garantiya na matutugunan ang mga pangunahing
pangangailangan.
12. Walang pananagutan ang mga prodyuser sa mga mamimili kung sila ay nagtamo ng kapinsalaan buhat
sa produkto ng mga ito.
T
13. Ang paggamit ng mga artista ng ilang produkto sa mga pag-aanunsiyo ay nakapagtataas ng presyo
ng mga produkto.
14. Ang abogado ay isang halimbawa ng manggagawang mental.
15. Tataas ang pagkonsumo ng taong may utang dahil uunahin muna niyang bayaran ang kanyang utang.
16. Nakabubuti ang paggaya sa mga produktong iniindorso ng mga artista kahit na ito ay hindi kaya ng
bulsa.
17. Ang paglaganap ng COVID-19 ay nagpalakas sa produksyon ng face mask.
18. Parusahan ang mga nagsasagawa ng mga pekeng produkto.
19. Tungkuling matugunan ng pamahalaan ang mga pngunahing pangangailangan ng mga mamimili.
20. Ang isang entreprenyur ay kinakailangang innovative.​