Answer:
Panahon ng rebolusyonaryong Pilipino
Sa panahong ito,matindi ang damdaming nasyonalismo,nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng karunungan.Sa panahong rebolusyon, sumisibol sa mga maghihimagsik ang kaisipang "Isang bansa, Isang diwa"laban sa mga Espanyol.Pinili nila ang tagalog sa pagsusulat ng mga sanaysay,tula,kwento,liham at talumpati.Noong nadiskubre ng mga espanyol ang katipunan noong Agosto 19,1896. napakaraming inaresto at ikinulong ang mga pinaghihinalaan na kasapi ng katipunan.Sinimulan ng mga katipunan sa pamumuno ni Andres Bonifacio ang himagsikan sa pamamagitan ng pagpunit ng sedula.Dito ipinakita ng mga pilipino laban sa mga espanyol na handa silang mag buwis ng buhay para sa kapayapaan at kalayaan ng Pilipinas.Ito rin ang nagbigay daan
sa pagkilala ng Pilipinas bilang kauna-unahang republica sa asya.