Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Sagutin ang mga sumusunod ayon sa iyong natutuhan sa araling ito. Isulat ang letra ng sagot sa iyong kuwaderno 1. Ang malalimang pag-unawa sa mga impormasyon sa pamamagitan ng pag-iisip kung tama ang ang mga ito ay tinatawag na A. pagninilay C. pagsang-ayon B. paniniwala D. pagtatanong 2. Masasabing ang mga impormasyong nagmumula sa radyo, diyaryo, telebisyon at social networking sites ay A. tama, sapagkat masusing sinuri ang mga ito B. mali, sapagkat hindi kapani-paniwala C. tama, sapagkat madali lang makakuha ng impormasyon dito D. maaaring tama o mali, kailangan mong pagnilayan muna 3. Ang mga sumusunod ay kilos na nagpapakita ng pagninilay ng katotohanan, MALIBAN sa A. pag-iisip kung tama ang impormasyong ibinigay B. paghahanap ng iba pang ulat upang paghambingin C. agarang pagsang-ayon sa unang marinig o mabasa D. pagtatanong sa mga kinauukulan o eksperto 4. Ang nagpapakita ng pagninilay ng katotohanan ay si A. Monet, ikini-kuwento niya agad sa iba ang nabalitaan B. Joy, marami siyang sinasangguni o tinatanong C. Harry, agad siyang kumikilos ayon sa narinig D. Jumar, wala siyang kahit anong pinaniniwalaan 5. Ang mabuting maidudulot ng pagninilay mo ng katotohanan ay ang A. pagkakaroon ng mga dagdag na kaalaman B. pagkakatuklas ng katotohanan C. pagkakaroon ng tamang pasya at kilos D. lahat ng nabanggit​