Sagot :
Answer:
Explanation:
Kahulugan ng Wikang Opisyal
Ang wikang opisyal ay itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ito ay ginagamit sa opisyal na komunikasyon ng estado ng mga mamamayan.
Maraming pag-aaral ang isinasagawa bago maging opisyal ang isang wika. Ito ay para malaman kung ano ba ang pinakakarapat-dapat na wika para sa bansa. Ipinahayag bilang wikang opisyal ang wikang pambansa simula Hulyo 4, 1946 (Batas Komonwelt blg. 570).
Ayon sa kasalukuyang Konstitusyon (Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 and 7) na ang wikang pambansa o wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kahulugan ng wikang opisyal, maaaring pumunta sa link na ito: brainly.ph/question/561213
Pagkakaiba ng wikang panturo at wikang opisyal
Ang pagkakaiba ng wikang panturo sa wikang opisyal ay:
Ang wikang panturo ay ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon samantalang ang wikang opisyal ay ginagamit sa opisyal na komunikasyon ng estado.
Ang wikang panturo ay wikang ginagamit ng guro at ng mga nasa akademiya para sa kanilang pagtuturo sa loob ng paaralan samantalang ang wikang opisyal ay wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa pagkakaiba ng wikang panturo at wikang opisyal, maaaring pumunta sa link na ito: brainly.ph/question/626137
Mga Halimbawa ng mga Bansang may Wikang Opisyal:
Ang mga bansang may iisang wikang opisyal lamang ay ang mga sumusunod:
Albanya
France
Lithuania
Iraq
Rusya