Baitang at Seksyon: 1. Isulat ang titik p sa patlang kung ang kayarian ng pangungusap ay payak, I kung ito ay tambalan, at H kung ito ay hugnayan. 1. Nagpatahi ng bagong uniporme si Nathan sa kanyang tita na modista. 2. Nahuli sa klase si Trish dahil hinatid pa niya ang kanyang kapatid. 3. Malalaki ang mga silid-tulugan at malinis ang malaking bakuran. 4. Papaliguan namin ang aso o didiligan namin ang mga halaman. 5. Mahilig mag-alaga ng iba't ibang hayop ang kapatid ko. 6. Hindi tayo makakaalis habang malakas pa ang buhos ng ulan. 7. Kapayapaan at kaayusan ang nais ng mga mamamayan sa Visayas at Mindanao. 8. Ang blusa ay maganda ngunit hindi ito kasya sa akin. 9. Dahil masipag at desidido siya, nakatayo siya ng sarili niyang negosyo. 10. Kinabahan si Che sa narinig niyang ingay, ngunit kalmado lang ang katabi niyang si Elijah.​