Ang Medieval Period o tinatawag din na Middle Ages o Dark Ages ay ang kapanahunan ng kasaysayan ng Europa mula sa pagbagsak ng Imperyomng Romano hanggang sa pagsisimula ng panahong Renaissance.
Ang Renaissance ay ang panahon na sumasaklaw mula ika-14 na siglo hanggang ika-17 na siglo na kasaysyan ng Europa. Ito ang panahon ng muling pagsilang o pagbabago sa kultura, sining, pulitika, at ekonomiya ng Europa kasunod lang ng Middle Ages.
Ang Baroque Period ay ang kasunod na panahon ng Renaissance. Noong panahong ito ang sining ay may istlong pagmamalabis sa mga kilos, at maliwanag na naipapakita ang mga damdamin sa mga iskultura, pinintang mga larawan, literatura, sayaw at musika. Pagdating sa musika, ang panahong ito ay naging dominante sa istilo na sabay-sabay na pagkanta ng iba’t ibang tono ng boses. Karaniwan na ang mga paraan ng pagkata noon ay may kaugnayan sa relihiyon. Ang salitang baroque ay mula sa salitang French, na maaaring kinuha din sa salitang Portuguese na barroco, na ibig sabihin ay “flawed pearl”. Nauugany din ito sa salitang Kastila na berruca.