ANO ANG TATLONG ANTAS NG PANG URI AT HALIMBAWA NITO





Sagot :

Answer:

Pang-uri

Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na ang ibig sabihin ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan.

Tatlong Antas ng Pang-uri

1. Lantay - ito ay naglalarawan ng isang pangngalan o panghalip

Halimbawa:

  • Si Jeric ay mabait.
  • Si Vince ay matangkad.
  • Si ate ay masipag.
  • Si nanay ay maalalahanin.
  • Ang bulaklak na sampaguita ay mabango.

2. Pahambing – ito ay naghahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip. Ginagamitan ito ng mga salitang mas, lalo, higit na, parehong, di gaanong, magkasing, magsing.

Halimbawa:

  • Mas matalino si Luz kaysa kay Liza.
  • Mas matangkad si Ben kaysa kay Eric.
  • Mas masipag ang magtrabaho ang kalabaw kaysa sa baka.
  • Magkasing tamis ang tsokolate at sorbetes.
  • Parehong maasim ang kamias at kalamansi.

3. Pasukdol - katangiang nangingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan. Ginagamitan ito ng mga salitang pinaka, napaka at ubod ng.

Halimbawa:

  • Pinakamatangkad sa klase si Ellen.
  • Pinakamaganda si Joanna sa magkakapatid.

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:

Halimbawa ng Pang-Uri; brainly.ph/question/104665

#BetterWithBrainly