ano ang kahulugan ng palaka sa kultura ng hapon

Sagot :

Maraming malalalim na simbolo ang mayroon sa kultura ng bansang Hapon. Halimbawa nito ay ang paghahalintulad nila ng buhay ng tao sa isang bulaklak. Isa sa mga simbolo binigyang kahulugan ng bansang ito ay ang palaka. Pinaniniwalaan na ang palaka ay nakakapagdala ng swerte and naghahakot ng pera sa isang negosyo. Kaya kung inyong napapansin na madalas makikita ang simbolo ng palaka sa mga establishimento sa bansang Hapon dahil na rin sa kanilang paniniwalang ito ang magiging dahilan sa kanilang pag-angat sa buhay.