Ang wika ay isang bahagi ng
pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na
batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. May pagkakaiba-iba sa
tono, bigkas at paggamit ng wika. Ang wika ay sinasalita ng tao sa lipunan, sa
bahay at lansangan. Dahil sa pagkakaiba ng wikang gamit, madalas, may hindi
pagkakaintindihan. Dahil dito, hahantong ito sa hindi pagkakaunawaan hanggang
sa pagkakaroon ng hadlang o puwang. Kaya naman, napagtanto ng ating ama ng wika
na magkaroon ng iisang pambansang wika. Ang wikang Filipino ang
pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas.
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay "ang
katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang
Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit
bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Dahil dito, may iisang
pambansang wikang kinikilala at ginagamit bilang pambansang kasangkapan sa
pagkakaunawaan ang bawat Pilipino. Mas nabigkis ang bawat isa dahil sa
mabisang komunikasyon at walang hadlang sa pagkakaintindihan. Mas malinaw na
transaksyon sa kalakalan sa pagitan ng isa't-isa. Ang kaunlaran at pag-usbong
ng pamumuhay ay magandang dulot ng pagkakaunawaan. Kaya naman magtulungan
at paunlarin ang wikang Filipino upang bayan natin ay may pag-unlad.