Sagot :
Answer:
Kamangmangan
Ang kamangmangan ay nagmula sa salitang mangmang na nangangahulugan na walang alam. Ang tao ay tinatawag na mangmang kung siya ay walang alam o walang ideya tungkol sa isang paksa na pinag uusapan. Gayunpaman, ang salitang ito ay hindi katanggap tanggap sapagkat ito ay isang paraan din ng pangiinsulto.
Ayon sa bibliya, ang kamangmangan o pagiging mangmang ay ang hindi wasto o maayos na paggamit ng paggamit ng tao sa kanyang isipan o kakayahang mag isip.
Ang dalawang uri ng kamangmangan:
- Kamangmangan na madaraig
- Kamangmangan na di madaraig
Kamangmangang madaraig
Kamangmangang madaraig o vincible ignorance ay ang kamangmangan kung saan ang isang tao ay gumawa ng pamaraan upang malampasan ito. Ang pagkakaroon ng kaalaman dito ay nag uugat sa pagsisikap o pag-aaral.
Kamangmangan na di madaraig
Ang Kamangmangan na di madaraig o invincible ignorance naman ay ang kamangmangan kung saan ang tao ay walang magawang pamaraan upang malampasan ito. Ito ang uri ng kamangmangan na bumabawas o tumatanggal sa pananagutan ng tao sa kaniyang kilos o pasiya.
Halimbawa ng tugon sa kamangmangang madaraig
- Pag iisip nang mabuti bago kumilos
- Pagbasa sa panuto bago sumunod
Sumangguni sa mga sumusunod na links para sa karagdagang kaalaman ukol sa:
Halimbawa ng kamangmangan
https://brainly.ph/question/702848
Ano ang ibig sabihin ng kamangmangan
https://brainly.ph/question/457007
Paano mapagtatagumpayan ang kamangmangan
https://brainly.ph/question/1281352