ano ang pagsasaka noong unang panahon

Sagot :

Napakasimple ng pagsasaka ng mga tao noong panahon. Pagdating sa kagamitan, sariling mga pamamaraan lang ang ginagamit nilang pantulong sa pagbubungkal, paglilinis, at iba pang gawain may kinalaman sa preparasyon sa lupa.  Mga hayop ang kadalasang nagsisilbing makina, na siya namang katuwang ng isang magsasaka para sa preparasyon sa lupa, at kung minsan pa nga pati sa pagtatanim.   

Sa mga pananim, mga native na binhi ang kadalasang itinatanim, kaya hindi rin marami ang naaani.  Magkagayunman ay nasasapatan naman ang pangangailangan ng pamilya.
 

Ang pag-aalaga ng hayop tulad ng manok, baka, kalabaw, kambing, baboy at marami pa ay mahusay na paraan din ng pagsasaka na kahit sa kasalukuyan ay namana pa rin natin ang pamamaraang ito.  Madali lang kasing mag-alaga ng hayop dahil marami ang damuhan noong panahon.