Si Heidee Mendoza ay isang dating "auditor" ng Commission on Audit ng Pilipinas. Isa siya sa mga inatasan na suriin kung nagtutugma ba ang ginastos na pondo ng mga ahensiyang pampahalaan sa proyektong nakikita o kaya'y nagsusuri kung ginagamit ba ng mga nanunungkulan sa tamang mga proyekto ang mga pondo. Siya ngayon ay titestigo laban sa mga anomalyang ginagawa ng mga military.
Si Albert Einstein ay isang physicist. Napakahilig niyang mag-aral ng kahit na ano na mayroong kaugnayan sa physics. Siya rin gumawa ng "General Theory of Relativity". Mahilig siyang pag-aralan at suriin ang mga bagay bagay tungkol sa siyensya at kapaligiran upang gawin itong kapaki-pakinabang.
Si Juan Luna ay isang napakahusay na pintor. Siya ay mahilig at magaling magpinta ng iba't ibang tema o paksa depende sa kanyang gusto. Ang "Spolarium" , "The Death of Cleopatra" and "Blood Compact" ay ilan lamang sa tanyag na gawa niya.
Si Gary Valenciano ay isang sikat na artista, mang-aawit at mananayaw. Siya ang kabuuan ng isang "performer" o manananghal. Makikita sa tagal niya sa industriya ang kagalingan nito sa kanyang ginagawa.