Sagot :
Answer:
Ang pag-tulog ay kinakailangan upang maging malusog ang pangangatawan at upang magkaroon ng enerhiya sa araw-araw.
Explanation:
Maliban sa pag-kain ng masusustansyang pagkain at pag e-ehersisyo, ang pag-tulog ay nararapat din upang magkaroon tayo ng malusog na katawan.
Tuwing tayo ay gagawa ng ating mga gawain sa araw-araw, nauubos ang enerhiyang galing sa mga kinain natin at tayo rin ay napapagod. Upang punan ang nawalang enerhiya, ang pagkain ng wasto at pamamahinga (o pag-tulog) ay nararapat gawin.
Ang pag-tulog din ay nakatutulong upang maging maayos ang pag-takbo ng ating utak. Kapag maayos ang takbo ng utak natin, mas maayos rin tayong makapag iisip na kinakailangan rin sa bawat desisyon sa mga gawain.
Ang sapat na haba ng pag-tulog ng isang tao ay walong oras sa isang araw. Sinasabi ng mga eksperto na mas maayos ang pamamahinga ng utak at katawan kung tayo ay makakakumpleto ng walong oras na tulog.
Hindi rin maganda sa katawan ng tao ang sobrang tulog. Ayon muli sa mga doktor at eksperto, ang sobrang pag-tulog naman ay maaaring magdulot ng sakit sa puso, diabetes, obesity, at pagiging makakalimutin sanhi ng pagkamatay ng mga "brain cells".
Ito ang listahan ng mga kailangang gawin upang magkaroon ng malusog na pangangatawan
- Maging Malinis (sa katawan at sa kapaligiran)
- Kumain ng Masusustansyang Pagkain
- Magkaroon ng Sapat na Tulog
- Mag Ehersisyo
- Magkaroon ng Oras sa "Relaxation"
- Umiwas sa Bisyo
Para sa dagdag kaalaman tungkol sa malusog na pangangatawan, maaaring bumisita rito:
https://brainly.ph/question/551230
https://brainly.ph/question/1913880
#LetsStudy