Sagot :
Kabutihang Panlahat
Ang kabutihang panlahat ay ang mga kapakipakinabang na kondisyon na ibinabahagi ng pantay-pantay sa lipunan at lahat ng mamamayan nito.
Tatlong Elemento ng Kabutihang Panlahat
- Paggalang sa Pagkatao ng Bawat Isa
- Kagalingang panlipunan
- Pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan
Paggalang sa Pagkatao ng Bawat Isa
Ang paggalang sa bawat isa ay ang paggalang na rin sa kanyang mga karapatang pantao.
Kagalingang Panlipunan
Ito ay ang mga tungkulin ng mga nasa awtoridad na ibigay ang mga pangangailangan ng kanyang bawat mamamayan katulad na lang ng pagpapalago ng ekonomiya ng sa ganun magkaroon ng magandang
- trabaho ang bawat mamamayan;
- edukasyon;
- pagkain;
- mapanatili ang kanilang magandang kalusugan.
Pagpapanatili ng Kapayapaan at Kaligtasan
Ito ay tungkulin naman ng mga taong nasa serbisyo sila ang mga maykapangyarihan na ipatupad ang mga batas para masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat
- Ito ay ang pagiging sakim na nagreresulta ng kapahamakan sa kapwa.
- Ang korapsyon na pwedeng magpahina sa tiwala ng mga tao sa gobyerno. Ang anumalya ay ang panlalamang sa kapuwa at hindi pagsunod sa mga naaayon sa batas.
Para sa iba pang impormasyon maaari rin magpunta sa:
Slogan ng kabutihang panlahat, basahin ang https://brainly.ph/question/1612511.
Ano ang kabutihang panlahat? Basahin ang https://brainly.ph/question/1515676.
Paano nangingibabaw ang kabutihang panlahat? Basahin sa https://brainly.ph/question/156146.