ano ang ibig sabihin ng teksto

Sagot :

Ano ang ibig sabihin ng teksto

Ang teksto ay ang babasahin na naglalaman ng mga ideya tungkol sa iba’t-ibang tao o impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay.

• Ang teksto ay ang salita o ideya na pinagpapalitan ng teksto.

Ibat-ibang Uri ng teksto

1. Informativ

• Ito ay isang uri ng teksto kung ito ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong paniniwala at mga bagong impormasyon

2. Argumentativ

• Ito ay isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga posisyong umiiral na kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan.

3. Persweysiv

• Ito ay ang tekstong nangungumbinsi o  nanghihiyakat.

4. Narativ

• Ito ay naglalahad ng pagkasunod-sunod ng pangyayari

5. Deskriptiv

• Ito ay isang teksto kung ito ay nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, lugar, bagay.

6. Prosijural

• Ang isang teksto kung ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkasunod-sunod ng hakbang na malinaw na hakbang sa pagsasakatuparan ng anumang Gawain.

7. Nareysyon

• Ang uri ng tekstong ito ay naglalahad ng impormasyong tumutugon sa mga tanong na paano at kalian?

8. Exposisyon

• Ang tekstong ito ay naglalahad ng mga impormasyon tungkol sap ag-aanalays ng mga tiyak na konsepto.

9. Referensyal

• Ang tekstong ito ay naglalahad ng mga tiyak na pinaghanguan ng mga inilalahad ng kaalaman.

Ano ang ibig sabihin ng teksto

brainly.ph/question/2214926

brainly.ph/question/586455

brainly.ph/question/677668