Sagot :
Ang salitang karagatan ay hango sa salitang dagat, isang anyong tubig na mayroong maalat na tubig at kung saan nabubuhay ang mga isda at iba pang mga nilalang sa tubig. Ang karagatan ay tumutukoy sa isang malawak na tubig na bumabalot sa malaking bahagi ng rabaw ng mundo at pumapalibot sa kalupaan. Mayroong limang tanyag na karagatan sa buong mundo. Ito ay ang Karagatang Antartiko, Karagatang Artiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian at Karagatang Pasipiko.