Sagot :
Ang sagot nito ay "Babylon"
Ang Babylon ay naging kabesera ng Imperyong Babylonia.
Kasali o kabilang ang Babylonian (1792-1595 BCE) sa kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya.
- Nagsimulang lumakas ang lungsod ng Babylon. Ito ay humantong sa pagsakop sa Mesopotamia. Si Hammurabi ay hari ng Babylon noong 1792 hanggang 1750 B.C.E. Bilang isang hari ng Babylon, sinakop niya ang timog na bahagi ng Mesopotamia upang maging isang imperyo. Ang Babylon ay naging kabesera ng Imperyong Babylonia.
Bilang isang hari, nasakop ni haring Hammurabi ang mga kaharian sa hilaga, kasali na dito ang mga pinuno ng kahariang Ashur. Isang napakahalagang ambag ng mga Babylonian sa kabihasnan ay ang batas ni Hammurabi, na' mas kilala bilang tawag na "Code of Hammurabi." Ang pinagbabasihan ng batas sa paggawad ng katarungan ay ang bigat ng kasalanan. Mas tanyag ito sa prinsipyong "mata sa mata, ngipin sa ngipin." Sa kabila ng pagkamatay ni Hammurabi at pagkahiwa-hiwalay ng kaharian ng Babylon, nanatiling kabisera ng isang katimugang kaharian ang lungsod na ito.
Sa panahon ng 1595 B.C.E., sinalakay ng mga Híttíté mula sa Anatolia ang Babylon. Sila ay nagtagumpay at nakuha nila ang estatwa ni Marduk, ito ang patron ng Babylon. Sa kabila nito, nagawa pa ring makapagpatuloy ang mga lungsod-estado sa ilalim ng mga dayuhang pinuno.
Pagkalipas ng matagal na panahon, pinaniniwalaang ang mga Kassite na naghahari sa Babylon at ang kaharian ng Hurrian sa Mitanni sa hilaga ang namayani sa Mesopotamia. Ang mga impormasyon na tungkol sa mga Kassite at Hurrian ay mula sa mga tala ng New Kingdom sa Egypt at Híttíté ng Anatolia. Bumagsak ang Mitanni noong 1350 B.C.E., dahil sa patuloy na panggigipit ng mga Híttíté sa kanluran.
Orihinal na nagmula ang mga Híttíté sa hilagang-silangang bahagi ng Black Sea. Sila ay lumisan at nanirahan sa Asia Minor (kasalukuyang Turkey). Napatanyag sila sa pagmimina ng ore at sa paggawa ng mga bakal na kagamitan.
Ang larawan na nakikita nyo ay ang imahe ng "Code of Hammurabi."
#CarryOnLearning