bakit mahalagang pag aralan ang panitikan sa sekondaryang paaralan

Sagot :

Mahalaga nga namang pag-aralan ang panitikan sa sekondaryang paaralan dahil ang mga mag-aaral sa antas na ito ay mayroon ng sapat na gulang upang intindihin ang kasaysayan ng isang lugar batay sa isang panitikan. Mas mayroon ng malawak na pag-iintindi sa mga bagay-bagay. Ang panitikan ay dapat na pag-aralan ng mga kabataan na nasa ganitong edad sapagkat ito ay nagpapakita o naglalarawan sa uri ng kultura, paniniwala at tradisyon ng mga sinaunang tao at upang maintindihan ang mga kasalukuyang pangyayari ay dapat alamin natin ang pinagmulan nito.