ano ang kabihasnang indus?

Sagot :

Ang Kabihasnang Indus ay umuusbong sa lambak ilog ng Indus River, pati na rin sa Ganges River. Ang dalawang ilog na ito ay matatagpuan sa Timog Asya.


Ito ay binabantayan ng matatayog na kabundukan sa Hilaga.


Ang kabundukan ng Himalayas at ng Hindu Kush ay may ilang landas sa ilang kabundukan nito, tulad ng Khyber Pass.


Ang lupain ng Indus ay di hamak na mas malawak kaysa sa sinaunang Egypt at Mesopotamia. Sakop nito ang malaking bahagi ng Hilagang Kanluran ng dating India at ang lupain kung saan matatagpuan ang Pakistan.