ano ang kahulugan at kabuluhan ng plate,mantle,planetang daigdig,paligid sa araw

Sagot :

Ang Plate o Lithosphere ay ang matigas na panlabas na kaanyuan ng mundo. Ang plate ay nahahati sa maraming bahagi sa buong mundo at ito ay gumagalaw sa paglipas ng panahon (continental drift). 

Ang mantle ay matatagpuan sa ibabab ng mga mga plates (lithosphere). ito ay malambot na layer ng mundo kumpara sa lithosphere. 

Ang Planetang Daigdig o Earth ay kung saan tayo ay nakatira. Ang Planetang Daigdig ay mainam sa pagsuporta ng buhay at nilalang para sa mahabang panahon.

Ang Pagligid sa Araw ay ang tinatawag na "revolution". Gaya na lamang ng ibang planeta, ang Planetang Daigdig ay lumiligid o umiikot sa araw sa kadahilanan ng Gravity ng Araw na siyang humihila sa mga planetang ito upang makaikot.

Ang mga kabuluhan ng mga ito ay nagsisilbing pundasyon at may kontribusyon sa pagsuporta sa buhay na mayroon dito sa daigdig. Gaya na lamang ng Earth at mga bahagi nito sa panlabas at pangloob ay may kontribusyon sa pagbabago ng ating paligid at paano ito nakakaapekto sa mga nilalang sa mundo sa kanilang araw-araw na buhay.


_______________
Sana Makatulong ^_^