Dahil ang konsiensya ay inilagay ng Diyos sa puso ng tao na
magsisilbing taga-usig (accuser) at tagapagpalaya nito (excuser). Iyan ang dahilan kung bakit dapat kumilos ang
tao ayon sa itinakdang tungkulin at gawain na sinasaklaw ng utos ng Diyos at ng
mga tao. Dahil kung hindi, mababagabag
ang budhi o konsiensya.
Sakali mang nadulas ang tao sa paggawa ng mga
kwestionableng mga gawain, ang konsiensya rin ang tutulong sa kanya upang
ituwid ito, at magsisilbing aral para hindi na ulitin o ulit-ulitin ang gayong
pagkakasala. Ang mga taong wala ngang
mga organisadong kautusan ay kumikilos at umaayon sa mga gawaing itinakda ng
kanilang konsiensya. Kung nagagawa nila
iyon, hindi bat may dahilan tayo, na nasa ilalim ng mga kautusan, na mas higitan ang kaya nilang gawin?