anyong lupa at anyong tubig sa rehiyon 3 Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Bataan at Zambales

Sagot :

Ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang anyo ng tubig at Lupa. Ilan sa mga rehiyon at lugar ng bansa ay may mga tampok na anyong lupa.  Ang Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ngLaguna ay halimbawa ng bulkang sumasabog sa Pilipinas. 

Ang bukal naman ay isang anyo ng tubig na nanggagaling sa ilalim ng lupa . May mga maiinit at malalamig na Bukal sa bansa. Karamihan sa mga ito ay natatagpuan sa Luzon tulad ng maiinit na Bukal ng Calamba at Los Banos sa Laguna.
Ang bansang Pilipinas din ay kilala sa magaganda nitong mga talon na dinarayo ng mga turista. Isa sa mga ito ay ang Talon ng Pagsanjan sa Laguna.  Ang iba pang talon sa Pilipinas ay ang Talon ng Tamaraw sa Mindoro,Hinulugang Taktak sa Antipolo, Daranak sa Rizal, Katibawasan sa Camiguin, at Blanca Aurora sa Gandara , Samar. Ang isa pang anyo ng tubig na makikita sa bansa ay ilog. Ito ay isang anyong tubig na dumadaloy patungo sa dagat. Ito  ay ginagamit sa pagdadala ng mga produkto sa ibang lugar.

Maganda rin itong patubig sa mga bukirin. Ang  ilan pa sa mahahalagang ilog ay ang Abra at Laoag sa Ilocos, Agno sa Pangasinan , Pampanga at Angat sa Gitnang Luzon, Pagsanjan sa Laguna, Marikina sa Rizal, Chico, at Magat sa Lambak ng Cagayan.