Sagot :
Ang Kuba ng Notre Dame
Sagot:
Sa kwentong Ang Kuba ng Notre Dame si Claude Frollo ay ang Archdeacon ng simbahan. Sa mga panahon iyon, sa lugar ng Paris ang mga tao ay may malakas na paniniwala sa simbahan. May kapangyarihan ang kanilang mga desisyon at mga salita. Ang kwento ay umiikot sa paghihirap ng isang kuba na si Quasimodo, at dahil sa pagkupkop sa kanya ng simbahan mas nagtagal ang kanyang buhay bilang isang alagad ng simbahan.
Si Claude Frollo ay ang kontrabida sa kwento, isa siyang pari na may pagkamuhi kay Quasimodo. Isa siyang tao na kayang gawin ang kahit ano para makamit ang kanyang mga nais.
Kakaibang katangian ni Claude Frollo:
- Isa siyang pari na tumalikod sa simbahan
- Maimpluwensya siyang tao
- Mayroon siyang pagnanasa sa isang gypsy na si Esmeralda
Si Claude Frollo ay tulad ng ibang mga kontrabida sa kwento, mayroon siyang nais makamit kung kaya’t gagawin niya lahat para makuha ito. Ngunit sa pagsasagawa ni Frollo sa pagkamit sa kanyang gusto, tinalikuran niya ang turo ng simbahan at naliwas siya sa kabutihan.
Para sa iba pang impormasyon tulad nito i-click ang mga link sa ibaba:
Buod ng Kuba ng Notre Dame: https://brainly.ph/question/200729
Tauhan ng kuba ng Notre Dame: https://brainly.ph/question/416333
Tagpuan sa kuba ng Notre Dame: https://brainly.ph/question/812518