PAANO NAKAKAAPEKTO ANG VEGETATION COVER SA PAMUMUHAY NG MGA NANINIRAHAN DITO?
Nakakaapekto ang vegetation cover sa pamumuhay ng mga taong naninirahan sa isang lugar dahil isa ito sa maraming salik na magdedesisyon sa uri ng pamumuhay o pagkukunang pagkain ng mga pamayanan na nasa isang partikular na vegetation cover.
Halimbawa na lamang, kung ang uri ng vegetation cover ng isang lugar ay puro kakahuyan (rainforest), may malaking posibilidad na nakadepende ang pamumuhay ng mga tao sa mga prutas at mga hayop na makikita sa kagubatan.