Sagot :
Answer:
Recipe Ng Isang Matiwasay na Lipunan:
Ito ay naglalaman ng maraming uri ng sangkap upang makamtan ang matiwasay na lipunan. Alamin nating ang mga sangakap nito.
Explanation:
Mga Sangkap:
- Hinati-hating Katarungan.
- Pagmamahal sa Bayan.
- Isang pangbudbod na Bukas na Komunikasyon (1/3 na bukas na t e n g a, 1/3 na bukas na bibig, 1/3 na bukas na diwa’t puso)..
- Isang baso ng Sosyalismo (‘yung walang kinikilalang antas sa lipunan: walang mababang uri o matataas na uri).
- Isang boteng Adbokasiya (ito ay ang Lahat ng Ginagawa ng Tao ay para sa Ikauunlad ng Kanyang Bayan).
- Pinulbos na Karapatang Pantao.
- 2 basong Makatao (ito ay ang maka-Diyos para sa mga naniniwala sa Diyos).
- Sauce na Edukasyong Para sa Lahat.
- Mga ginayat na Kultura at Sining
(Tingnan ang may kaugnayang link tungkol sa sangkap: Ano-ano ang mga sangkap ng isang matiwasay na lipunan? - brainly.ph/question/118582)
Pamamaraan:
- Ilagay ang hinati-hating Katarungan sa isang malaking lalagyan
- Haluan ang Katarungan ng Pagmamahal sa Bayan. Ang katarungan ay balewala kung wala itong pag-ibig sa kanyang sinilangan at lahi. At para magkaroon ng pagmamahal sa bayan, ang lahat dapat ay matapat sa kanyang bayan at hindi sa iisang pinuno lalo kung ang pinuno ay isang tuta ng imperyalismo’t korapsyon at naghahasik ng karahasan at gusto ng diktadurya kaysa kalayaan.
- Matapos itong mapagsama ay huwag kakalimutang budburan ito ng Bukas na Komunikasyon. Ang kapayapaan ay hindi nakukuha sa pagpapatahimik ng mga bibig ng mga mamayan sa isang bansa, ang kapayapaan ay nakukuha sa bukas na tenga ng bawat isa, bukas na bibig para ipaglaban hindi lamang ang sarili kundi pati ang mga walang kakayahang maipagtanggol ang kanilang sarili, at bukas na diwa’t puso para hindi maging insensitibo at maraya.
- Ibuhos ang isang baso ng Sosyalismo sa malaking lalagyan, haluin nang haluin hanggang sa maging palaban ito para sa bayan at maging buo ang matiwasay na lipunan!
- Para maging mas malasa, lagyan ng isang boteng Adbokasiya. Hayaang sipsipin ito ng nabubuo nang matiwasay na lipunan.
- Dapat tandaan na kapag nasipsip na ang lahat ng Adbokasiya, kailangan itong igulong sa Karapatang Pantao. Kailangan mabalot ito ng Karapatang Pantao para walang naaagrabyadong tao at maging mas malasahan ang Katarungan para sa isang matiwasay na lipunan .
- Ilagay sa kumukulong 2 basong Makatao ang ginawa. Tandaan, kung ang nakalagay sa label ay maka-Diyos lang at hindi nakalagay na Makatao ito, peke ang nabili. Huwag magpapaniwala sa mga Fake News.
- At kapag nakitang buo na ang pinakukuluan, hanguin ito. Ilagay sa malaki at magandang plato kung saan lalagyan sauce na Edukasyong Para sa Lahat. Tandaan kung wala ang sauce na ito, walang manunuot na lasa na siyang magpapasarap lalo at magpapaunlad ng matiwasay na lipunan.
- Last but not the least, ilagay sa tabi ang mga ginayat na Kultura at Sining upang ipaalala ang ugat ng nabuong lipunan na ginawang matiwasay. Kung hindi ito ilalagay, hindi bongga ihain ang matiwasay na lipunan. Tandaan na hindi lamang ito pampaganda, ito ay pantanggal-umay na kailangang-kailangan ng isang matiwasay na lipunan upang patuloy itong maging masarap. Ika nga, para habang tumatagal – lalong sumasarap!
Narito ang mga link na may kaugnayan:
Halimbawa ng recipe para sa matiwasay na lipunan - brainly.ph/question/14241
Recipe ng matiwasay na lipunan - brainly.ph/question/132152
Para mas malinaw ang lahat. Ano nga ba ang kahulugan ng matiwasay? O ano-ano ang mga kasingkahulugan nito para mas maunawaan natin ang pagbuo ng isang matiwasan na lipunan?
Ang matiwasay sa Ingles (in English) ay “tranquil” o “tranquillity”. Sa Tagalog ito ay kapanatagan, mapayapa, tahimik o kalmado, kahinahunan, hindi maligalig, matampay, o walang tigatig.
(Tingnan: Ano ang ibig sabihin ng matiwasay na lipunan - brainly.ph/question/13874)
(Dagdag kaalaman! Para sa kahulugan pa ng matiwasay na lipunan, tingnan ang link na ito: Ano ang larawan ng isang matiwasay na lipunan? - brainly.ph/question/14849)