Sagot :
Ang anyong lupa at anyong tubig ay isa sa mga likas na yaman natin bawat isa sa kanila ay mahalaga sapagkat sila ang dahilan kung bakit tayong mga tao ay nabubuhay sa mundo.
Kahalagahan ng anyong Lupa
- Ang anyong lupa ang nagsisilbing pangunahing tirahan ng mga tao at hayop.
- Ang yamang lupa ay nagtataglay ng mga yamang mineral na pinagkukunan ng tao nang mga enerhiya,mga ibat-bang uri ng bato na ginagawang pahiyas o mga palamuti.
- Pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtatanim at pastolan ng mga alagang hayop.
- Ang ating lupain ang pinagtataniman ng sari saring halaman,tulad ng halamang gamot na pinagkukunan natin upang gawing medisina.
Kahalagahan ng anyong Tubig
- Ang anyong tubig ang pangunahing pinagkukunan ng ikinabubuhay ng ating mga kababayang mangingisda.
- Dito nakukuha ang mga mamahaling isda at mga korales na maari nating ipagmalaki sa ibang bansa.
- Pinagkakakitaan din ito ng ilan nating mga kababayan na may ari ng mga resort sa mga gilid ng dagat,lawa,ilog tuwing tag-init
- Ang mga ibat-ibang shell na nakukuha sa pangpang nang dagat ay ginagawang mga palamuti sa katawan at tahanan.
Uri ng likas na yaman ng Pilipinas
- Yamang mineral
- Yamang Lupa
- Yamang Tubig
- Yamang Gubat
Mga halimbawa ng yamang Lupa
- palay
- prutas
- mga halamang gamot
- mais
- mga halamang ugat
- halamang gamot
Mga halimbawa ng yamang Tubig
- mga isda
- Korales
- Pusit
- alimango
- taklobo
- perlas
Mga halimbawa ng yamang Mineral
- Ginto
- copper
- ruby
- dyamante
- marmol
Mga halimbawa ng yamang gubat
- mga usa
- tarsier
- baboy damo
- tamaraw
- agila
Paano nga ba natin mapapangalagaan ang ating mga likas na yaman?
Huwag nating abusuhin ang inang kalikasan,magkaroon tayo ng disiplina sa ating mga sarili sa pagtatapon ng mga basura, huwag tayong magtapon sa mga ilog,dagat,sapa,at lawa upang huwag masira at malason ang mga ito. Tigilan natin ang walang habas na pagputol ng mga punong kahoy sa kagubatan, huwag nating hulihin at patayin ang mga hayop sa gubat.Huwag abusuhin ang pagkuha ng mga yamang mineral sa ating mga lupa kabundukan at dagat. alagaan natin ang ating kapaligiran para sa mga susunod pang henerasyon.
Buksan para sa karagdagang kaalaman
kahalagahan ng likas na yaman https://brainly.ph/question/427430
sa buhay asyano ano ang kahalagahan ng likas na yaman https://brainly.ph/question/341919
uri ng likas na yaman https://brainly.ph/question/356024