sa dulang Tiyo Simon ano ang iyong nadama?

Sagot :

Sa dulang Tiyo Simon, nakaramdam ako ng malaking kapanatagan. Sa dula kasing ito napagtanto ko na ang paniniwala sa Diyos at matibay na pananampalataya ay mananatiling matatag kahit gaano pa ito sinubok ng pagkakataon. Napagtanto ko rin na hindi kailanman dahilan ang kahit na anupaman para husgahan natin ang ibang tao sapagkat lahat ay may iba't iba at malalalim ding sugat na dahilan kung bakit nagagawa nila ang kanilang ginagawa. Lahat ng tao ay may karapatan sa ikalawang pagkakataon.