paano nakakaapekto sa isang lugar/bansa ang pandarayuhan?

Sagot :

Ang pandarayuhan o  imigrasyon ay ang tawag sa pagpunta o pagdayo ng isang tao/grupo ng tao sa isang lalawigan, barangay,  bayan, ibang bansa o isang mas malayong lugar.

Maaaring ang pagtigil sa isang pook ay palagian o pansamantala lamang.

 EPEKTO NG PANDARAYUHAN

1. Kakulangan sa tirahan -nagiging sanhi ng suliranin sa pabahay. Ito ang dahilan ng pagdami ng informal settler.

2. Suliranin sa kalusugan kalinisan ng isang lugar at pagkasira ng kapaligiran.

3. Pagtaas ng kriminalidad -nakagagawa ng labag sa batas

4. May mga mag-anak na nagkakahiwalay -naaapektuhan ang tahanan lalo na ang pagsubaybay sa paglaki ng mga anak.