halimbawa ng rasismo at ipaliwag ito

Sagot :

Ang rasismo ay ang diskriminasyon ng isang tao dahil sa iba nitong lahi. Halimbawa,  ang rasismo ay nararanasan ng mga taong nandayuhan sa ibang bansa. Kapag ikaw ay kayumangging kaligatan at nandayuhan ka sa lugar na pawang mga puti ang mga naroroon tiyak na hindi ka kaagad maging bahagi nila. Ang isang Pilipino ay karaniwang nakakaranas ng rasismo sa ibang bansa lalo na kapag naghahanap ng trabaho. Sa Singapore kapag nakarinig ka ng naghahanap ng katulong, agad idinudugtong ang salitang Pilipino dahil nakasanayan na nila na kapag Pilipino ka ay katulong ang kadalasan mong hanapbuhay sa ibang bansa.