Ang mga lalawigang bumubuo sa Persia ay tinatawag na satrap. Ang satrap ay ginagamit sa makabagong panitikan na tumutukoy sa pinunong naiimpluwensiyahan ng mas malaki at makapangyarihang grupo. Ito ay mula sa salitang Persya na xsacapavan na ang ibig sabihin ay tagapagtanggol ng probinsya . Ang malalaking "satrapies" o mga probinsya ay nahahati sa maliliit na mga distrito at ang pagpapangkat-pangkat ng mga satrap na ito ay maaaring baguhin ng kani-kanilang mga pinuno.