Sagot :
Mga Katangian ng Kwentong Bayan:
- Patuloy na lumalaganap at nagpapasalin - salin sa iba't ibang henerasyon.
- Nagtataglay ng anyong tuluyan at naglalaman ng mga kaugalian at tradisyon ng lugar na pinagmulan nito.
- Naglalahad ng mga mahiwagang bagay o pangyayari.
- Naglalaman ng mga gintong aral na nagpapahiwatig ng mga bagay na nagaganap sa paligid.
Depinisyon:
Ang mga kwentong bayan ay mga salaysay hinggil sa mga likhang - isip na mga tauhan na sumisimbolo sa mga uri ng mamamayan tulad ng matandang hari, isang lalaking pantas, o kaya ay isang inosenteng babae.
Upang maunawaan kung ano ang kwentong bayan, basahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/1478326
Mga Uri ng Kwentong Bayan:
- alamat
- mito
- pabula
- parabula
Ang alamat ay tumutukoy sa mga kwentong nagsasaad ng pinagmulan o pinanggalingan ng isang tao o bagay.
Halimbawa:
- Alamat ng Pinya
- Alamat ng Tao
Ang mito ay tumutukoy sa mga kwentong tumatalakay sa mga Diyos at Diyosa.
Halimbawa:
- Si Sirena at si Santiago
- Biag ni Lam - ang
Ang pabula ay tumutukoy sa mga kwentong tumatalakay sa mga hayop na nagsasalita na karaniwang inihahalintulad sa tao sanhi ng kanilang mga katangian at pag - uugaling taglay.
Halimbawa:
- Si Langgam at si Tipaklong
- Si Kuneho at si Pagong
Ang parabula ay tumutukoy sa mga kwentong matatagpuan sa Bibliya na may dalang aral.
Halimbawa:
- Parabula ng Sampung Birhen
- Parabula ng Alibughang Anak
Upang lubos na maunawaan ang mga uri at halimbawa ng kwentong bayan, basahin ang mga sumusunod na links:
https://brainly.ph/question/109912
https://brainly.ph/question/1498847