Sagot :
Ang kahulugan ng mga sumusunod na salita
- isiniwalat
- sakbibi
- itigis
- tatalikdan
- lumiyag
- Isiniwalat
ito ay nangangahulugan ng ibinunyag, ipinagtapat, ipinaalam,ibinulgar, ikinuwento, pinagsasabi.
Halimbawa nito sa pangungusap
Isiniwalat ni Lourdes lahat ng kanyang nalalaman, tungkol sa anumalyang nangyayari sa kanilang kumpanya.
- Sakbibi
ito ay nangangahulugan ng mabigat na karga, tigib
Halimbawa nito sa pangungusap
Ang bangka na galing sa Isla ng Marinduque ay sakbibi dahil sa dami ng karga nitong mga kalakal at mga tao.
- Itigis
ito ay nangangahulugan ng padaluyin, ibuhos
Halimbawa nito sa pangungusap
Ang sabi ng aking ina ay itigis ko ang mainit na tubig sa aming lababo upang matunaw ang mga sebo na bumabara dito.
- Tatalikdan
ito ay nangangahulugan ng tatalikuran, pababayaan, at magpapaubaya
Halimbawa nito sa pangungusap
Nangako ako sa aking asawa na tatalikdan ko na ang aking mga bisyo para sa aking mga anak.
- Lumiyag
ito ay nangangahulugan ng magmahal, o umibig, ito ay may salitang ugat na liyag na nangangahulugan ng iniibig, giliw,irog, minamahal
Halimbawa nito sa pangungusap
Ang binatang si Jose ay lumiyag sa napakagandang dalaga sa kanilang nayon na si Maria.
Buksan ang link para sa karagdagang kahulugan ng mga salita
Kahulugan ng mga salita https://brainly.ph/question/1530697
Mga halimbawa ng matalinghagang salita at mga kahulugan nito? https://brainly.ph/question/108078
Iba pang halimbawa ng mga matalinghagang salita at kahulugan nito? https://brainly.ph/question/108077