Eupemismo ang katawagan sa mga katagang ginagamit upang humalili sa mga salitang may kadalasang opensibo o negatibong konotasyon.
Pansinin ang mga sumusunod na mga pangungusap:
Sa sobrang hirap at sakit na kanyang dinadanas, napagdesisyon na naming lahat na hayaan na siyang lumisan.
Iba pang halimbawa ng eupemismo:
1. Nangibang bahay – may iba ng babae
2. Lumisan – namatay na
3. Maagang pinagretiro – tinanggal sa trabaho
4. Depressed area – nasa squatters’ area
5. Developing country – nasa mahirap na bansa